Guerilla field ng komunista, 5 na lang-Abalos

Guerilla field ng komunista, 5 na lang-Abalos

December 1, 2022 @ 8:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na bumaba na ang bilang ng mga aktibong guerilla field ng komunista sa bansa sa lima ngayong taon mula sa 89 anim na taon na ang nakalilipas, at nawalan ang mga ito ng impluwensya sa 3,207 na mga nayon.

Ayon kay Abalos nabawasan ang mga guerilla field ng mga komunista nang sumuko ang 611 rebelde at muling nagsimula ng kanilang buhay sa suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng kabuhayan, edukasyon, pabahay, medikal, at iba pang serbisyong panlipunan na nagkakahalaga ng P45.8 milyon, sinabi ito ng kalihim sa isinagawang barangay development summit sa Clark Freeport.

Sinabi pa ng DILG chief hindi agad maberipika ang impormasyon sa New People’s Army, na naglunsad ng rebelyon ng komunista mula noong 1969.

Ayon sa kanya, ang “game changer” sa paglaban ng gobyerno laban sa insurhensya ay ang Executive Order No. 70 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bunsod nito nilikha nito ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac), na nagtipon sa militar, pulisya, at mga ahensya ng pag-unlad. Gayunpaman, iniugnay ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao ang NTF-ELCAC at ang mga lokal na katapat nito sa red-tagging at kalupitan.

“The institutionalization of the whole-of-nation approach has been a game changer in addressing the ills of the society – poverty, social inequality, historical injustices, among others. By leading programs that prioritize the responsive delivery of basic services, social inclusivity, and the active participation of sectors to pursue the country’s peace agenda, we are finally addressing the roots of insurgency at its core,” ani Abalos sa mga local officials.

Samantala sinabi pa nito na ang mga natamo ay pinapanatili, aniya, sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program na pinagsama-sama ng mga local government units (LGUs) at pambansang ahensya. Pinopondohan ng Support to Barangay Development Program (SBDP) ang mga imprastraktura at social development packages ng LGUS.

Ayon pa kay Abalos na may kabuuang 1,019, o 43.9 porsyento ng 2,319 na proyekto na tinukoy ng 822 barangay beneficiaries ng SBDP noong 2021, ang natapos na. Santi Celario