Guest sa SONA 2021 limitado pa rin dahil sa COVID-19 – Sotto

Guest sa SONA 2021 limitado pa rin dahil sa COVID-19 – Sotto

June 2, 2021 @ 9:06 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Lilimitahan pa rin ang mga pisikal na dadalo sa kahuli-hulihang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“It’s the Palace [Presidential Security Group] that wants a non-full plenary hall,” lahad ni Sotto matapos ang pagpupulong kay House Speaker Lord Allan Velasco.

Tatanungin pa aniya kung sino ang mga dadalo ngunit sinabing bubuuin ng maximum hanggang 30 ang Senado kasama na ang Secretariat.

Gaganapin ang 2021 SONA sa Hulyo sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Maaalalang noong nakaraang taon, maging ang mahabang pila ng VIP guests na naglalakad sa red carpet suot ang magagarbong damit ay ipinagbawal din.

Dagdag pa rito, magugunitang hindi rin pinayagang makapasok ang media personnel. RNT/FGDC