Guevarra nakipagpulong kay Marcos para sa ICC drug war probe

Guevarra nakipagpulong kay Marcos para sa ICC drug war probe

July 28, 2022 @ 6:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Solicitor General Menardo Guevarra kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at tinalakay ang paninindigan ng pamahalaan sa aksyon ng International Criminal Court (ICC) na muling buksan ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyong Duterte.

“We discussed the government’s position on the ICC investigation,” pahayag ni Guevarra ukol sa pagpupulong na ginawa nitong Miyerkules. “But I’d rather not preempt the President.” 

Hindi pa naglalabas ng impormasyon ang Malacañang ukol dito.

Nauna nang sinabi ni Guevarra na sasangguni siya sa opinyon ni Marcos maging ng Department of Foreign Affairs, Department of Justice, at international law experts ukol sa imbitasyon ng Hague-based court sa Pilipinas na magbigay ng obserbasyon sa hiling nito na muling ikasa ang imbestigasyon.

Sinabi rin ni Guevarra na sisilipin ng kanyang opisina ang isyu ng hurisdiksyon ng ICC na imbestigahan ang Pilipinas.

Magugunitang noong Marso 2019, opisyal na kumalas ang Pilipinas muka sa ICC matapos ilunsad ng body ang preliminary examination sa kontrobersyal na kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga, kung saan libo-libo ang nasawi sa umano’y extrajudicial killings sa bansa. RNT/SA