Guidelines para sa School Year 2022-2023 inilabas ng DepEd

Guidelines para sa School Year 2022-2023 inilabas ng DepEd

July 24, 2022 @ 10:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naglabas ang Department of Education (DepEd) nitong Sabado ng guidelines para sa enrollment para sa 2022-2023 School Year na aarangkada sa Agosto 22.

Nakasaad sa DepEd Order No. 35 ang guidelines para sa school heads, mga guro, at mga magulang hinggil sa bagong enrollment process, na magsisimula sa Hulyo 25 at magtatapos sa Agosto 22.

Batay sa guidelines, ikakasa ang in-person, remote enrollment maging sa pamamagitan ng dropbox forms.

Para sa in-person mode, inihayag ng DepEd na pwedeng pisikal na iproseso ng mga magulang at estudyante ang kanilang enrollment habang sumusunod sa minimum health and safety standards.

Samantala, isasagawa naman ang remote enrollments sa pamamagitan ng pag-fill out ng digital forms at pagpapadala nito sa opisyal na official email address ng mga paaralan o anumang available messaging platforms ng mula sa paaralan.

Samantala, pwede ring mag-fill out ng forms sa mga tahanan at personal na isumite ito sa pamamagitan ng drop boxes sa mga paaralan kung saan papasok ang estudyante.

Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ipatutupad ang combined in-person classes at distance learning mula Agosto hanggang Oktubre, habang magsisimula naman sa Nobyembre ang five-day face-to-face classes. RNT/SA