Guidelines sa 2nd booster ng 50 anyos pataas, may comorbidities inilabas ng DOH

Guidelines sa 2nd booster ng 50 anyos pataas, may comorbidities inilabas ng DOH

July 27, 2022 @ 10:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa nationwide rollout ng second booster para sa lahat ng indibidwal na may edad 50 pataas, at 18 hanggang 49 taong gulang na may comorbidities.

Ayon sa DOH, ang hakbang ang matapos ang pagpapalawak ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ng ilang COVID-19 vaccine brands upang payagan ang paggamit ng mga ito bilang second boosters sa pinalawak na populasyon, at ang mga rekomendasyon. na ibinigay ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

“Only the Tozinameran (Pfizer) and Spikevax (Moderna) mRNA vaccines will be used for this purpose, and there must be an interval of at least four months from the third dose or first booster,” saad sa pahayag ng Health department.

Anang DOH maaaring sumangguni sa Local Government Unit ang mga indibdiwal na pasok sa nasabing pinalawak na coverage ng 2nd booster shot para sa iskedyu. Kinakailangan din nilang dalhin at ipakita ang kanilang vaccination card at valid ID.

Para naman sa mga may comorbidities, hindi na nila kailangan ng medical certificate anang DOH.

Sinabi ng kagawaran ng Kalusugan na ang isang medikal na screener o doktor sa lugar ng pagbabakuna ay awtorisado “upang suriin at gawin ang pagpapasiya.”

Dagdag pa ng DOH, sa pinalawak na pagbabakuna, gagawin nila ang mga matataong lugar tulad ng mga opisina, terminal, mall at maging ang mga paaralan bilang vaccination sites dahil layunin nitong palakasin ang 50 porsiyento ng target na populasyon laban sa COVID-19 sa loob ng unang 100 araw ng administrasyong Marcos.

Sa paglulunsad ng kampanyang tinaguriang “PinasLakas” noong Martes, sinabi ni Vergeire na ito ay maglalapit sa mga bakuna sa mga tao at mapabilis ang pagbibigay ng booster shots habang nagsisimulang tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19.

Target ng campaign na magbigay ng booster shot sa hindi bababa sa 23,840,032 sa loob ng tatlong buwan. RNT