Guidelines sa paggamit ng bivalent COVID vax isinasapinal na – DOH

Guidelines sa paggamit ng bivalent COVID vax isinasapinal na – DOH

February 2, 2023 @ 5:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasalukuyang isinasapinal na ng Department of Health (DOH) ang guidelines sa paggamit ng bivalent vaccines, ayon sa ahensya.

Pagtitiyak ng DOH, na ang mga alituntunin ay ibibigay sa oras para sa pagpapatupad ng roll-out ng mga bakuna sa bansa.

Ayon pa sa DOH, ibat-ibang istratehiya at allocation mechanism ang pinag-aaralan ngayon ng DOH na maaring ikonsidera na katanggap-tanggap, makatarungan at operational, maging ang kahusayan sa paggamit ng bakuna.

“The DOH has already secured an initial donation of around 1 million doses of Bivalent COVID-19 Pfizer vaccines from COVAX facility. It is expected to arrive in the Philippines before the end of March 2023”, ayon sa DOH.

Para sa batch ng inisyal na donasyon ng bivalent vaccines, ang A1 (Health Care Workers), A2 (Senior Citizens) at A3 (individuals with co-morbidities) ay dapat prayoridad na na ayon sa kondisyon na itinakda ng COVAX facility.

Kapag ang karagdagang doses ay na-secure at available na, ang prioritization ay maaring palawakin sa iba pang mga priority group. Jocelyn Tabangcura-Domenden