Guidelines sa paggamit ng Dengvaxia dapat isapubliko – Dr. Solante

Guidelines sa paggamit ng Dengvaxia dapat isapubliko – Dr. Solante

July 13, 2022 @ 7:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na mahalagang magkaroon ng guidelines sa sandaling muling mapahintulutang magamit ang Dengvaxia vaccine.

Ito’y sa harap ito ng nakikitang pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.

Aniya, sa pamamagitan ng guidelines ay mailalahad sa publiko ang benepisyo at kahalagahan ng bakuna lalo na para sa populasyon na nasa kategoryang high risk na tamaan ng sakit at high -risk na madala sa pagamutan.

Bukod dito, mailalahad din ng guidelines ang kahalagahan sa pagsugpo ng Dengue virus infection.

Nauna rito, sinabi ng eksperto na panahon nang muling irekonsidera ng pamahalaan ang pagpapatuloy at paggamit ng dengvaxia lalo na’t ang ibang mga bansa naman gaya Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia ay gumagamit ng naturang bakuna na pangontra sa dengue. Kris Jose