Guidelines sa paglabas ng mga bata ilalabas ng MMC

Guidelines sa paglabas ng mga bata ilalabas ng MMC

July 12, 2021 @ 9:27 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Maglalabas ang Metro Manila mayors ng karagdagang guidelines para sa mga batang 5-anyos pataas na makalabas.

Ayon kay Benhur Abalos, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority, magpupulong ang Metro Manila Council sa mga susunod na araw para pag-usapan ito.

“Kung nakita na nating medyo maraming tao iwasan na natin, ito ay para sa mga anak natin at para sa atin din. ‘Wag na ho tayo sumiksik sa lugar na ‘yun,” lahad ni Abalos sa ABS-CBN’s Teleradyo.

“Lalagyan pa naming karagdagang regulasyon. Dapat siguro accompanied sila by adults, ‘di puwedeng sila-sila lang.”

Nauna ring inihayag na may kakayagan ang lokal na pamahalaan na taasan ang age restriction depende sa sitwasyon ng COVID sa kanilang lugar. RNT/FGDC