Guidelines sa work sched ng mga guro hiniling ng ACT

Guidelines sa work sched ng mga guro hiniling ng ACT

September 22, 2020 @ 7:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na maglabas ang Department of Education (DepEd) ng guidelines upang mapagaan ang trabaho ng mga guro ngayong online learning scheme.

“Hence, we demand that DepEd urgently issue guidelines on work schedules and reduce teachers’ load in response to additional time and effort demanded by remote learning,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.

Daing pa ng ACT, kumakain na ng malaking oras sa mga guro ang paghahanda para sa mga kailangang dokumento.

Dagdag pa rito ang mas malaking oras na inilalaan para sa konsultasyon sa pagitan ng mga guro, estudyante, at magulang.

“There really should be safety nets in place, to avoid draining our teachers,” hinaing ng grupo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang  DepEd kaugnay nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...