Guilty verdict sa 8 kidnaper ng Tsinoy pinuri ni Eleazar

Guilty verdict sa 8 kidnaper ng Tsinoy pinuri ni Eleazar

June 5, 2021 @ 9:51 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Ikinagalak at pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo ELeazar ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa walong kumidnap sa negosyanteng babaeng Chinese-Filipino may  17 ng taon na  nakalilipas na naganap sa Manila.

Ayon kay ELeazar, ikinatuwa niya ang naging hatol na ‘life imprisonment’ ni  Judge  Ma. Luisa Gonzalez-Betic, ng  RTC Branch 225 ng Quezon City Regional Trial Court laban sa mga kidnappers ng biktimang na  si Genevive Sy noong 2004.

Noong kinidnap si Sy, si Eleazar ay field grade officer at nakatalaga sa Chief of the Investigation and Case Monitoring Division sa binuwag nang Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) at ngayon ay PNP Anti-Kidnapping Group.

Mismong si Eleazar ang tumestigo sa prosecution sa korte sa mga isinagawang pagdinig sa tinaguriang ‘landmark case’ na ikinukusiderang ‘longest kidnapping cases prosecuted’ sa kasaysayan ng  PNP.

Ang mga nahatulang ‘guilty’ sa kasong ‘kidnapping for ransom’  ay nakilalang sina  Romeo Ayson, Clayton Patingan, Alberto Culanag, Romeo Aruta, Jose Olbato, Jaime Tolevas, Edwin Castillo, at Sebastian Magaipo, habang ang mga akusadong sina  Pepe Bihag at Lolita Monares ay pinawalang sala.

Sina Patingan at Ayson ay dating mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group na kabilang sa 15 suspek na naaresto ng mga operatiba ng PACER nang ma-rescue si Sy sa Antipolo noong March 20, 2004.

Ang mga kasama pang akusado na sina  Mary Ann Angcahan, Julien Madrid, Janeth Patilona, Clifftor Langcao, Eric Pa-o ay pinalaya noong 2016 sa isang plea-bargaining agreement.

Sa rekord, si Sy ay dinukot noong March 18, 2004 habang sakay ng kaniyang sasakyan sa Severino St., Sta Cruz, Manila, at nilimas pa ang kaniyang mga alahas, cash at mga personal belongings.

Dinala si Sy sa isang  safehouse sa Fairview, Quezon City at pagkatapos ay inilipat sa safehouse sa Antipolo City at humingi ng P500,000 ransom ang mga suspek.

“Although it took 17 years for the case to reach its logical conclusion, what is more important is that justice prevailed eventually and the criminals have been put away,” masayang pahayag ng  PNP chief. Jan Sinocruz