GULATAN AT SABWATAN 

GULATAN AT SABWATAN 

January 13, 2023 @ 9:31 AM 3 weeks ago


SA gitna nang kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan,isang bagong hirit naman ang giit ng mga insurance companies.

A!ang kanilang giit ay taasan ang antas ng buwanang premium payment.

Ang totoo, hindi naman, kabilang ang insurance premium sa pangunahing pangangailangan  natin pero mas marami ang naniniwalang dapat maging handa tayo sa mga hindi inaasahan  tulad ng aksidente at karamdaman.

Dangan naman kasi parang wala na tayong maaasahan sa ating pamahalaan dahil ultimo ang Government Service Insurance System,  Social Security Systen at Philhealth ay mistulang bantulot maglabas mg pondo tuwing ang miyembro ay may biglaan pangangailangan.

Ekskyusmi naman. Sa ganang akin, kailangang busisiing mabuting ang aklat ng pananalapi ng pamahalaan upang batid natin ang nagagamit nilang pondo.

Humuhugong ngayon na  ang nalilikom na kontribusyon mula sa mga obrero ng  insurance companies kailangang itaas na rin ang buwanang premium.

Sus, itaas pa eh kabi-kabila na nga ang reklamo ng mga taong kanilang nauto at naloko.

Teka lang  totoo bang nalulugi ang mga insurance company?

Parang hindi naman. Tila gusto lang nilang humirit ng mataas na increase sa kanilang buwanan o taunang singil sa kanilang hirit na singil para sa policy simula ngayon 2023.

Pero bakit mukhang iba ang ikinakanta ng insurance commission.

Sige nga Commissioner Dennis Funa ano ang dahilan?

Sa susunod na labas po ang kanyang dahilan sa pagtaas ng premium at iba pang dagdag sa binabayaran sa insurance.

Anomang puna o reklamo i-tex sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o jua[email protected]