Gulay O-melet

Gulay O-melet

June 18, 2018 @ 9:05 AM 4 years ago


Gustong-gusto ng mga bata ang itlog sa almusal. Bukod dito, isa pa ito sa mga pinakamadali at mabilis lutuin lalo na kapag pasukan na at kailangan nang mabilisang paghahanda ng almusal.

Pero hindi naman lahat ng sustansiya ay makukuha ni bagets dito. Kaya naman swak na swak talaga ang ating menu for today. Narito ang paraan para mahainan pa rin ng masustansiyang pagkain ang ating pamilya sa pamamagitan ng simpleng itlog.

Mga sangkap

  • 4 na itlog
  • 1 bell pepper
  • 1 kamatis
  • ½ cup malunggay leaves
  • ¼ cup cheddar cheese (optional)
  • Salt and pepper to taste
  • 3 tbsp (kutsara) ng gatas

Paano lutuin?

  1. Batiin ang mga itlog at dagdagan ng asin at paminta.
  2. Haluin at idagdag ang gatas.
  3. Painitin na ang kawali. Siguruhing mainit na ang kawali bago ibuhos ang egg mixture.
  4. Idagdag ang malunggay,kamatis at bell pepper. Lagyan ng cheddar cheese (optional)
  5. Tupiin ang omelet hanggang sa matakpan ang palaman.

Mga nutrisyon na makukuha:

  • Total Fat 12g                18 %
  •  Saturated Fat 3.3g    16 %
  • Cholesterol 313mg    104 %
  • Sodium 155mg            7 %
  • Total Carbohydrate 0.6
  • Sugar 0.3g
  • Protein 11g   22 %
  • Vitamin A      12 %
  • Calcium                5 %
  • Iron 8 %

(Remate News Team)