Gulo sa NutriAsia, kasalanan ng Kadamay – Labor Secretary Bello

Gulo sa NutriAsia, kasalanan ng Kadamay – Labor Secretary Bello

August 1, 2018 @ 2:48 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Isinisi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa grupong Kadamay ang naging gulo sa NutriAsia sa Marilao, Bulacan.

Sa ambush interview sa Malacañang sinabi ni Bello na nakikipag-usap na ang NurtiAsia sa kanilang mga manggagawa at sa mga pulis sa nangyaring komosyon.

Dagdag pa ng kalihim, nanghimasok lang ang Kadamay sa gulo kaya mas lumala ito.

“Meron nang ongoing conciliation. Nagkagulo dahil pumasok ‘yung Kadamay. Hindi naman workers ‘yun. Hindi NutriAsia ‘yun. Kadamay ang pumasok dyan,” aniya.

Iprinotesta ng mga trabahador ng NutriAsia ang umano’y nagpapatuloy na kontraktuwalisasyon sa kompanya, mababang sahod at hindi magandang mga kondisyon para sa mga manggagawa.

Naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng kautusan sa NutriAsia para sa regularisasyon ng kanilang mga empleyado.

Samantala, kahapon ay pinaiimbestigahan na ni Senator Joel Villanueva sa senado ang insidente.

“We need to investigate because these cases highlight the weaknesses of our current regulatory framework,” ayon sa inilabas na pahayag ng senador. (Remate News Team)