Gumabao bumitiw sa Creamline

Gumabao bumitiw sa Creamline

January 20, 2022 @ 12:38 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nag-leave of absence sa volleyball opposite spiker Creamline star Michele Gumabao upang magpokus sa politika sa Mothers for Change party list para sa paparating na 2022 elections.

Dahil dito, mawawalan ang Cool Smashers ng kanilang star na Opposite Spiker sa 2022 Premier Volleyball League Open Conference, na pansamantalang itinakda sa Pebrero 16.

Inihayag ni Gumabao na siya ay kasalukuyang naka-leave, pero nanatili pa ring kanyang mother ball club ang Creamline.

 “As of now po naka-leave of absence po ako pero I’m still with Creamline. They’re my team for the past three years and nanalo ng ilang championships,” ani ng 5-foot-10 spiker.

 “Kung makapasok naman po yung party list, Mocha would be our first nominee so siya po muna yung makakapasok and if God-willing na makapasok naman po ako we’ll see.”

Gayunpaman, nang tanungin si PVL president Ricky Palou tungkol sa leave ni Gumabao, sinabi niyang hindi pa sila naiinform kaugnay dito.

“Hindi, hindi kami na-inform tungkol dito,” ani Palou.

Sinabi ni Gumabao, ang pangalawang nominado ng party list na pinamumunuan ng unang nominee na si Mocha Uson, na sinusuportahan ng Creamline ang kanyang desisyon sa pagbibigay prayoridad sa kanilang political bid sa ngayon.

“Ang aking volleyball team ay palaging nandiyan para sumuporta ngunit ito po ang magiging priority ko sa ngayon,” dagdag nito.

Tinulungan ng dating La Salle star ang Creamline na maabot ang limang sunod na PVL Finals, na nanalo ng tatlong kampeonato.

Sa walang katapusang pagkawala ni Gumabao sa aksyon, inaasahang gaganap ng mas malaking papel ang katapat na spiker na si Tots Carlos sa title-redemption bid ng Cool Smashers matapos tumapos na runner-up kay Chery Tiggo sa huling PVL Bubble sa Ilocos Norte.JC