Gumaganang OFW COVID protocol sa Cebu, pinasusuri ni Digong sa DOH

Gumaganang OFW COVID protocol sa Cebu, pinasusuri ni Digong sa DOH

June 2, 2021 @ 12:35 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na alamin kung bakit gumana ang COVID-19 protocols na ipinatupad sa Cebu City partikular na ang swab-upon-arrival policy para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at returning overseas Filipinos (ROFs).

Layon ng nasabing kautusan na alamin ang bagay na ito at maaaring i-apply sa ibang rehiyon.

Sinabi ni Governor Gwen Garcia na nais ni Pangulong Duterte sa IATF na “see if these could possibly be a way or innovation to be adopted” sa iba’t ibang lugar sa bansa at magsumite sa kanya ng resulta bukas, araw ng Huwebes, Hunyo 3, 2021.

Inulit nito na ang “unique quarantine at testing protocols” na ipinatupad sa Cebu City para sa mga OFWs at ROFs ay naglalayong i-minimize ang kanilang pasanin pagdating sa pinansiyal at emosyonal na aspeto.

“We are not perfect. If our ways could be found effective, then they could be followed by others,” ani Gov. Garcia.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Gov. Garcia na susunod ang Cebu sa polisiyang ikinasa ng pamahalaan habang hinihintay nito ang ginagawang pag-aaral ng National Inter-Agency Task Force’s (IATF) study sa Covid-19 situation ng nasabing lalawigan.

Nauna rito, nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga opisyal ng Cebu sa pangunguna ni Gov. Garcia Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Dino sa Malakanyang, araw ng Lunes.

Sa naturang pulong ay doon ipinag-utos ng Chief Executive kay Duque na tingnan ang posibilidad na i-apply ang COVID-19 response measures ng lalawigan sa buong bansa.

“If you see something working, wouldn’t it be worth it to study it?” ang pahayag ni Gov. Garcia.

Si Garcia ang humiling ng pulong kay Pangulong Duterte matapos na ipag-utos ng gobyerno na i-divert ang “international flights bound for Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Mayo 29 hanggang Hunyo 5, 2021.

Bago pa anng direktiba, ang mga international passengers ay nananatili sa quarantine hotels habang naghihintay ng resulta subalit maaari namang tumuloy sa kanilang susunod na destinasyon sa oras na magnegatibo sa covid 19 test.

Samantala, pinasalamatan naman ni Gov. Garcia si Senador Christopher “Bong” Go, na kasama rin sa miting niya kay Pangulong Duterte, para sa pagkikila sa tagumpay ng Cebu na pamahalaanan ang COVID-19 crisis.

Ani Gov. Garcia, nakita ni Go kung paano napangasiwaan ng Cebu ang pandemiya at mabuksan ang ekonomiya simula pa noong nakaraang taon.

“As of May 31,” ang Cebu ay mayroong 442 active Covid-19 cases, na mayh 17 new cases sa nasabing araw base sa data ng Department of Health data.

Ang iba pang nasa Cebu delegation ay sina IATF-Visayas Deputy Chief Implementer Gen. Mel Feliciano (ret.), DOH-7 spokesperson at chief pathologist Dr. Mary Jean Loreche at “Project Balik Buhay” chairman Edmun Liu.

Maliban naman kay Duque, kasama ng Pangulo sina Presidential spokesperson Harry Roque, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Local Government Secretary Eduardo Año. Kris Jose