Gumahasa, pumatay sa bebot sa Malabon huli sa Bulacan

Gumahasa, pumatay sa bebot sa Malabon huli sa Bulacan

August 24, 2022 @ 12:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaresto sa Bulacan ang suspek sa pagpatay ipinapalagay na paggahasa sa isang babaeng call center agent sa Malabon City.

Dakong alas-6:30 ng hapon nitong Lunes nang mataguan ang bangkay ni Lovely Ann Villagomez y Bantiling, 29, ng 12 A. Cruz Street, Brgy. Baritan, Malabon City.

Sinakote naman ang suspek na si Jaemark Reyes y Dongallo alyas Jenmark, nasa hustong gulang, ng Mallari Street, Brgy., San Agustin and Pantihan 2, Brgy Flores, Malabon City kahapon, alas-12:30 ng amdaling araw sa Malolos, Bulacan.

Lumitaw sa imbestigasyon na pumunta sa bahay ng biktima ang boyfriend na si Kevin Louie Lim y Neri, 30, sales executive ng of CEL Logistics nang mag-alala dahil sa hindi pagsagot ni Villagomez sa mga tawag at mensahe sa telepono.

Pagsilip umano ni Lim sa tinitirhan ng biktima ay bumulaga sa kanya ang duguang bangkay nitong nakalugmok sa sahig kaya’t humingi siya ng tulong sa mga tanod at nag-ulat sa Substation 7 ng Malabon City Police Station.

Walang saplot pang-ibaba ang biktima nang matagpuan, at ang alagang aso nito ay natagpuang patay sa kanyang tabi.

Sa follow-up operation ay nakita sa closed-circuit television (CCTV) footage na pumasok si Reyes sa bahay ni Villagomez bandang ala-1:10 ng hapon nitong Lunes at lumabas pagsapit ng ala-1:55 ng hapon.

Maliban dito, bandang alas-11 ng gabi naman ng nasabing araw ay lumutang ang isa pang saksi na si Edmond Khen Garcia y Fajardo, 22, binata, e-trike driver, ng 3 Celia 2, Bayanbayanan, Malabon City at isiniwalat na sumakay si Reyes sa kanyang e-trike malapit sa pinangyarihan ng krimen, at halata umano ang pagkabalisa nito.

Nabatid naman sa mga kaanak ni Reyes na inamin nitong mayroon siyang pinatay, at nanghingi ng salaping pamasahe patungo sa bahay ng kanyang lolo sa Bulacan. Merly Iral