Skyway na gumuho sa sunog napalitan na-DPWH

Skyway na gumuho sa sunog napalitan na-DPWH

September 17, 2020 @ 11:03 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Napalitan na ng Department of Public works and Highways (DPWH) ang bahagi ng Manila Skyway Stage 3 na gumuho matapos masunog noong Pebrero 2020  habang minamadali na ng concessionaire na Cenral Expressway Corporation (CCEC) ang mga gawaing sibil ng proyekto  upang makabawi  sa hindi inaasahang pagkaantala.

“As of latest report, lower and upper coping beams for pier 3, 4, 5 were reconstructed, and deck slab for spans 5 and 6 were completed as well. These were the burned sections from the fire incident,” ayon kay  DPWH Secretary Mark  Villar.

Ayon pa sa kalihim, ang kasalukuyang katayuan ng proyekto sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng MMSS3 o Skyway Stage 3 ay nasa 88.72 porsyento, hindi kasama ang Section 2A o ang Tomas Claudio-PUP Sta.Mesa segment na hindi pa nasisimulan ang konstruskyon..

“We are intensifying our road right-of-way acquisition so we may soon begin construction at Section 2A’. So far, we have acquired 231 out of the 350 lots that need to be acquired with permit to enter,” ani  Villar.

Samantala, ang Section 1 na sumasaklaw sa  Buendia-Quirino-Nagtahan ay  90.67 percent nang kumpleto; Section 2A na sumasaklaw sa  Nagtahan-Tomas Claudio ay 77.23 percent; Section 2B o Tomas Claudio-Ramon Magsaysay Avenue ay  94.39 percent; Section 3 o Ramon Magsaysay-Quezon Avenue ay  96.86 percent; Section 4 o Quezon Avenue-Balintawak, Quezon City ay  75.67 percent; at  Section 5 o Balintawak hanggang  NLEX Footbridge ay  83.56 percent nang kumpleto.

Inaasahan  namang mababawasan na ang oras ng paglalakbay kapag nakumpleto na ang 18.83 kilometer Skyway Stage 3  sa pagitan ng Buendia hanggang Balintawak mula sa kasalukuyang  mahigit sa dalawang oras .

Magsisilbi din itong direktang magkokonekta ng kalsada sa pagitan ng NLEX at South Luzon Expre3ssway (SLEX). Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...