Gumulpi sa Pinay sa New York, kulong ng 17 taon

Gumulpi sa Pinay sa New York, kulong ng 17 taon

November 30, 2022 @ 1:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kulong ng 17 at kalahating taon dahil sa kasong Attempted Murder at one count of Assault Under Hate Crime Law ang lalaking brutal na umatake sa isang 67-anyos na Pinay sa Yonkers sa New York noong Marso.

Kinilala ang akusado na si Tammel Esco na mistulang walang bakas ng pagsisi nang humarap ito sa Westchester County Court nitong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Matatandaang nakunan ng security camera ang pag-atake ni Esco sa Pinay na biktima habang papasok ito sa kanyang apartment building.

Aabot sa 127 na suntok, pitong sipa at dinuraan pa ni Esco ang biktima bago niya ito iniwanang nakahandusay sa sahig. RNT