Gun ban ikakasa sa bahagi ng Mindanao kasunod ng Lanao del Sur gov ambush

Gun ban ikakasa sa bahagi ng Mindanao kasunod ng Lanao del Sur gov ambush

February 20, 2023 @ 8:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban isa ilang bahagi ng Mindanao kasunod ng pananambang sa Lanao del Sur kung saan nagtamo ng sugat si Governor Mamintal Adiong Jr. at napatay ang apat niyang aides.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Sabado na sususpindehin ang permit to carry firearms saMaguindano, Lanao del Sur, at sa 63 barangay sa North Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

“Whatever is the motive of the crimes that are being perpetrated in that area, specifically doon sa 63 barangays doon sa Pikit, I think we need to impose a stricter gun ban sa area na ‘yan para ma-contain natin ‘yung pag-escalate ng krimen ng shooting incident doon sa area na ‘yun,” dagdag niya.

Hindi binanggit ni Azurin kung kailan epektibo ang gun ban.

Noong Feb. 17, naiulat na dumaraan si Adiong at kanyang convoy  sa Sitio Landslide patungo sa munisipalidad ng Lao nang atakihin sila ng unidentified gunmen.

Nasugatan ang gobernador at miyembro ng kanyang staff at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Subalit, apat sa kanyang police escorts ang napatay sa ambush.

Sinabi ni Azurin na posibleng “rido” o clan feud ang motibo sa pananambang.

“We already tried to contact sina (Moro Islamic Liberation Front) Chairman Murad (Ebhrahim) na makisali sila sa pagpapanatili ng kapayapaan doon because ito ay Muslim area at mga tao nila ito. It’s in the MILF territory, so sana sila ang mag-lead ng activities doon para nang sa ganun medyo ma-ease,” dagdag jiya. RNT/SA