Gun ban nagsimula na sa plebisito ng Baliwag

Gun ban nagsimula na sa plebisito ng Baliwag

November 25, 2022 @ 5:59 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Bulacan Provincial Office sa mga gun owners na ipinatupad na ang gun ban sa Baliwag, Bulacan na nagsimula nitong Huwebes, Nobyembre 24.

Ito ay bilang paghahanda sa papalapit na plebisito upang maging lungsod ang nabanggit na bayan na isasagawa sa Disyembre 17.

Ayon kay Col. Relly Arnedo, Bulacan provincial director, ang gun ban ay iiral hanggang Disyembre 24, 2022 na batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10863.

“These security measures are necessary to ensure the safety of everyone. During the cityhood plebiscite period, no person shall bear, carry or transport firearms or other deadly weapons in public places within the vicinity of Baliwag,” pahayag nito sa isang panayam.

Mismong si Arnedo at sina Lt. Col. Julius Alvaro, Baliwag police chief, at Edna Gener, Election Officer 4 ng Comelec-Baliwag, ang nanguna sa gun ban checkpoint na inilatag nito pang Miyerkules.

Aniya, posibleng mawalan ng prebilehiyo ang isang may-ari ng baril na mahuhulihang may dala nito habang umiiral ang gun ban kahit na lisensyado pa.

Sa Comelec Resolution No. 10851, itinakda ng Comelec ang information and campaign period mula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 15.

Maaaring magsagawa ang mga civic, professional, religious, business, youth, at iba pang organisasyon na magkasa ng symposia, public rallies, o meetings upang turuan ang mga botante ng Baliwag sa isasagawang plebisito.

Matatandaan na noong Hulyo 29, 2022 ay ipinasa ang Republic Act 11929 o ang “An act converting the municipality of Baliwag in the province of Bulacan into a component city.” RNT/JGC