Gun ban sa Dinagyang nagsimula na!

Gun ban sa Dinagyang nagsimula na!

January 13, 2023 @ 1:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsimula na ngayong Biyernes, Enero 13 ang isang linggong gun ban para sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival ngayong taon sa Iloilo City.

Kasabay nito ay ang apela ni Brig. Gen. Leo Francisco, direktor ng Police Regional Office 6, para sa mapayapang selebrasyon ng kauna-unahang physical Dinagyang sa nakalipas na dalawang taon.

“We appeal to the public to cooperate and obey with the guidelines in order to avoid firearm-related incidents. Let us all enjoy the festivities and help each other to achieve a crime-free festival,” sinabi ni Francisco.

Ang pansamantalang suspensyon ng Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFORs) ay bahagi ng security measures para sa Dinagyang na tatagal ng isang linggo, mas maikli kumpara sa tatlong linggo sa mga nagdaang taon.

Magtatapos ang umiiral na gun ban 11:59 ng gabi sa Enero 23.

“The purpose of this is to preempt any firearm-related incidents for the duration of the festivities,” paliwanag naman ni Major Grace Socorro Borio, tagapagsalita ng PRO-6 nang tanungin sa dahilan ng paglalagay ng gun ban.

Huling isinagawa ng pisikal ang Dinagyang Festival noong 2020 at isinagawa lamang online noong 2021 at 2022 dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/JGC