Gun ban sa NCR kasado na

Gun ban sa NCR kasado na

July 22, 2022 @ 2:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang firearms owners na epektibo na ang gun ban sa Metro Manila simula ngayong Biyernes, bilang bahagi ng security measures para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes.

“We are asking for understanding from the public for the implementation of the strict security measures in Metro Manila starting today. These security measures are necessary to ensure the safety of everyone, especially since our Commander-in-Chief, President Bongbong Marcos, will discuss his plans for the country on Monday,” pahayag ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon.

“As responsible gun owners, you have the obligation to follow the rules and orders, especially those coming from the PNP, in order for you to avoid legal trouble and other consequences,” paalala pa niya.

Samantala, sinabi rin ni De Leon na ang aktibasyon ng task force ay nangangahuluhan ng mas maraming checkpoints sa borders ng Metro Manila, lalo na sa Quezon City kung saan gaganapi ang SONA sa Batasang Pambansa.

Halos 22,000 police personnel at force multipliers ang inaasahang magbabantay sa SONA. Kabilang sa kanilang tungkulin na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan at maayos na daloy ng trapiko.

Hinikayat din ni De Leon ang mga organizer ng kilos-protesta para sa SONA na makiisa sa security upang maiwasan ang abala sa daloy ng trapiko sa major roads sa Quezon City.

“We have designated freedom parks where they can hold their activities even without permits. This is our way of recognizing their rights to assemble and air whatever their concerns are,” aniya. RNT/SA