Gun ban sa NegOr

Gun ban sa NegOr

March 11, 2023 @ 9:33 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ikinasa ng Negros Oriental Provincial Police Office ang pagpapatupad ng gun ban sa lalawigan matapos ang pagpatay kay Gobernador Roel Degamo.

“All permit to carry firearm outside residence (PTCFOR) are hereby suspended in Negros Oriental until further notice. Only the members of the PNP, AFP, and other law enforcement agencies who are performing official duties and in agency-prescribed uniforms will be allowed to carry firearms,” ayon sa Facebook post ng kapulisan nitong Biyernes.

Matatandaang si Degamo at limang iba pa ay namatay habang 13 iba pa ang nasugatan sa pag-atake noong Marso 4 habang namamahagi ng tulong ang gobernador sa kanyang mga nasasakupan sa kanyang tirahan sa bayan ng Pamplona. Ang bilang ng mga nasawi ay tumaas sa siyam noong Linggo.

Sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder ang apat na suspek na kinilalang sina Joric Garido Labrador, Joven Calibjo Javier, Benjie Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero, at 12 John Does sa Tanjay City Regional Trial Court.

Sinampahan din ng kasong illegal possession of firearms, ammunition, at explosives ang tatlong indibidwal sa Bayawan City Regional Trial Court. RNT