Gun ban violator, drug suspects kulong sa Munti, Taguig

Gun ban violator, drug suspects kulong sa Munti, Taguig

February 5, 2022 @ 1:56 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki at isang babae dahil sa paglabag sa gun ban at shabu na nagkakahalaga ng P141,440 sa police operations sa Taguig at Muntinlupa sa Pebrero 4 at 5.

Sa Muntinlupa, kinilala ang suspek na si John Peter Castillo, 30, at Lirio Hernandez, 37 na may dalang armas at shabu sa Purok 5, Barangay Sucat noong Pebrero 5.

Narekober kay Castillo ang .38-caliber firearm na may apat na live ammunition.

Dagdag dito ay nasabat din ang 0.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360; isang aluminum foil na may shabu; isang improvised aluminum foil tooter; at dalawang disposable lighters.

Habang noong Pebrero 4, naaresto rin ng mga pulis-Taguig sina Michelle Pineda, 38, at Conrado Mendoza Jr., 43.

Nakuha rito ang 20.6 gramo ng shabu P140,080 at P200 buy-bust money. RNT/FGDC