Gun ban violators bago mag-Halalan 2022 sumipa na sa 76- PNP

Gun ban violators bago mag-Halalan 2022 sumipa na sa 76- PNP

January 14, 2022 @ 7:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 76 indibidwal ng naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa paglabag sa gun ban kaugnay ng Halalan 2022, hanggang nitong Biyernes.

Batay sa datos ng PNP, sibilyan lahat ng 12 karagdagang violator.

Nakumpiska sa mga naturang violator ang 12 firearms, 148 ammunition, at isang deadly weapon, ayon sa PNP.

Naiulat na mula sa Sorsogon, Davao de Oro, La Union, Bulacan, Lanao del Sur, Abra, Negros Occidental, Batangas, Nueva Ecija, Quezon, at Taguig ang mga lumabag sa gun ban.

Aabot naman sa 18,978 checkpoints ang itinalaga sa pagpapatupad ng gun ban.

Alinsunod ito sa ipinalabas na Resolution No. 10728 ng Commission on Election (Comelec) “that prohibits the bearing, carrying, or transporting of firearms or deadly weapons outside residence and in all public places until June 8.” RNT/SA