Quezon City – Patay ang isang lalaki na hinihinalang gun runner matapos manlaban sa buy-bust operation sa Payatas Road Quezon City pasado alas dos ng madaling araw.
Nakilala lamang sa alias ‘Black’ ang napatay habang nakatakas ang kanyang kasamahang si alias ‘Boy’ sakay ng motorsiklo.
Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ng baril alias ‘Black’ kaya nagkasama ng buy-bust operation.


Isang kalibre .38 ang binili ng operatiba ng CIDG QC sa mga suspek sa halagang limanglibong piso.
Pero nakahalata umano ito na pulis ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at nagpaputok.
Doon na raw napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok at napatay ang suspek.
Posible rin daw sangkot sa gun for hire activities ang suspek.
Nagbebenta rin daw ito ng shabu ayon sa mga pulis. Nakuha ang buy-bust money at baril mula sa suspek.
