Gundam, gagawan na ng live-action movie

Gundam, gagawan na ng live-action movie

July 6, 2018 @ 5:08 PM 5 years ago


Bibigyang buhay na ang patok na manga at anime franchise na ‘Gundam.’

Sa pagsasama ng Hollywood studio Legendary Pictures at Sunrise animation studio na siyang gumawa ng ‘Gundam’, gagawan nila ng live-action movie ang sikat na giant robot sa Japan.

Wala pa mang inilalabas na iba pang impormasyon bukod sa inilabas na promo poster kung saan makikita ang isang tila meteor sa labas ng orbit ng mundo na sinasabing ‘Operation Meteor’ na parte ng serye ng ‘Gundam Wing’.

Ang planong pagbuo ng naturang pelikula ay una nang inanunsyo sa 2018 Anime Expo sa Los Angeles Convention Center. (Remate News Team)