Gunman sa negosyanteng Chinese, tukoy na

Gunman sa negosyanteng Chinese, tukoy na

July 14, 2021 @ 3:38 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tukoy na ng Manila Police District ang pagkakilanlan ng suspek na bumaril sa isang Chinese national sa  isang gusali sa Binondo, Maynila kahapon.

Sa panayam kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, base sa mga kuha ng mga CCTV sa  Sunjoy building, nakuha na ang pagkakilanlan ng suspek  pero hindi pa inilalabas ng MPD dahil nagpapatuloy ang kanilang follow up operation.

Nang tanungin kung kasama ng biktima at negosyanteng si Wen Dun Chen ang suspek bago ito binaril  pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Francisco.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang MPD sa Quezon City police kaugnay naman sa nangyaring car chase na kinasangkutan ni Arvin Tan na humantong sa Recto Avenue.

Ayon kay Francisco , si Tan ay patuloy pa ring dumadalo ng hearing kaugnay sa kanyang kaso na kiansangkutan sa MPD noong 2017. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)