Gunman sa opisyal ng BJMP, may artist sketch na

Gunman sa opisyal ng BJMP, may artist sketch na

August 3, 2018 @ 1:27 PM 4 years ago


 

Sta. Ana, Maynila – Bagamat hindi pa mailabas ang pagkakilanlan, sinabi naman ng pamunuan ng MPD-Homicide Section na mayroon nang artist sketch sa suspek ng pananambang sa jail officer kahapon sa Sta. Ana, Maynila.

Sa panayam ng media, sinabi ni Senior Inspector Rommel Anicete, ang pinuno ng MPD homicide section, tatlong saksi ang nagbigay ng kanilang salaysay at nakakatulong na maresolba sa kaso ng pagpatay kay Jail Inspector George Delfin kung saan nagbigay ng paglalarawan sa hitsura ng isa sa mga suspek na tinawag na composite sketch.

Paliwanag ni Anicete, sa ngayon ay hindi pa nila mailabas ang pagkakilanlan ng suspek dahil nagsasagawa pa sila ng serye ng follow up investigation and operation.

Si Delfin ay inabangan ng suspek sa Sagrado Pamilya kung saan papauwi na ito sa Sta. Ana galing sa trabaho ng paulanan ng bala ng suspek na nakamotorsiklo.

Ayon sa may hawak ng kaso na si SPO3 Donald Panaligan, multiple gunshot wound sa ibat-ibang parte ng katawan at ulo ang tinamo ng biktima. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)