Gunrunner tiklo sa QC

Gunrunner tiklo sa QC

September 9, 2022 @ 12:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 ang isang gunrunner matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation kaninang hapon sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang nadakip na si Jerry Balajadia , 34 anyos, binata, sputnik,  residente ng 102 Cleofas comp Bgy. Pasong Tamo, Q.C.

Ayon kay PLT Jorge Villanueva, dakong 1:30 ng hapon (Sept 8) nang isagawa nila ang buy-bust operation sa Matapang St corner Mabilis St Bgy.Central, Q.C.

Isang pulis ang nagkunwari na bibili ng baril at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang suspek.

Nakumpiska mula kay Balajadia ang  isang Taurus caliber .9MM, caliber .45, cellphone at ginamit na buy-bust money

Lumalabas na ang suspek ay dating  nahaharap sa mga kasong robbery hold-up, Theft, Carnapping, Section 11 RA9165 at murder.

Ang ginawang operasyon ng kapulisan ay bahagi na rin sa  ‘OPLAN PAGLALANSAG’ ng Philippine National Police (PNP)

Nakapiit na si Balajadia habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanya. Jan Sinocruz