Guro, coach ng PE sa Rise Up ng PSC

Guro, coach ng PE sa Rise Up ng PSC

March 24, 2022 @ 1:17 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pinahahalagahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kontribusyon ng akademya sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kababaihan sa sports na espesyal na webisode ng Rise Up Shape Up na nagtatampok sa mga guro at coach ng Physical Education ngayong Sabado, Marso 26.

Ang episode na pinamagatang “Women Wielding Influence and Motivation in PE Classes and School Playing Fields” ay proud na i-guest sina Dr. Lumna Trinidad ng Tarlac State University, at mga gurong coach na sina Marissa Austria, Stephanie Pagarigan, at Anne Daphien Baisa sa 7 PM.

Ibabahagi ni Dr. Lumna ang kanyang mga personal na karanasan sa pagsali sa sports sa murang edad at kung paano niya nagamit ang kanyang kasanayan sa sports sa labas ng larangan ng paglalaro.

Si Austria, isang Master Teacher II at MAPEH coordinator sa Las Piñas East National High School ay dating archer ng Philippine Normal University (PNU) at kinatawan ang bansa sa ilang mga internasyonal na kompetisyon mula 1996 hanggang 1998.

Sa kasalukuyan, siya ay isang continental judge sa World Archery Asia at naging bahagi ng officiating noong 2019 Southeast Asian Games. Ibabahagi ni Austria ang kanyang mga saloobin at pananaw sa pag-impluwensya at pagganyak sa mga bata na maging mga kampeon sa palakasan at buhay.

Sa kabilang banda, magsasalita sina coach Pagarigan at coach Baisa tungkol sa Art of Planning and Establishing Influence among Players at ibabahagi ang kahalagahan ng sports sa pagbuo ng life skills.

“Sa pamamagitan ng impluwensya ng aming mga guro at coach, naiintindihan namin na ang sports ay talagang isang tool sa pagbuo ng athleticism, malusog na kompetisyon, at sports mindedness na maaaring gamitin ng mga bata sa pagpapabuti ng kalidad ng kanilang buhay,” ayon kay PSC Women in Sports oversight commissioner Celia Kiram. Ilalahad din ng lady commissioner ang kasaysayan ng Physical Education sa kanyang regular na segment na “K-Isport.”Rico Navarro