GURO, ESTUDYANTE ISASALANG SA DRUG TEST, EH, ‘DI WOW  

GURO, ESTUDYANTE ISASALANG SA DRUG TEST, EH, ‘DI WOW  

June 30, 2018 @ 6:02 PM 4 years ago


AYOKO na sanang makisawsaw sa mungkahi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. General  Aaron Aquino na mandatory          drug testing sa mga guro at mga estudyante mula sa Grade 4 pataas.

Hindi ko lang alam kung anong uri ng ‘ipis’ ang pumasok sa kukote nitong si Director Aquino. Sukat ba naman pati ‘yung mga estudyante na mula sa Grade-8 pataas at mga guro ay ipinasasama na niya sa drug test.

Maganda ang layunin ni director pero diyos por santo, pati ba naman ‘yung mga bata na nasa Grade-4 pataas, eh, ipinasasama na rin niya na sa mga sasailalim sa gagawing drug test sa mga eskuwelahan (naku ah).

Parang sinabi na niya na pati ang mga eskuwelahan ay nakubkob na ng mga sindikato ng iligal na droga kaya ang mga estudyante ay mga adik na rin, kasama ang mga guro kaya kailangan daw na sumaillalim ang mga ito sa random drug test.

Oo naniniwala ako na may posibilidad na nagagamit ng sindikato ng iligal na drugs ang mga estudyante sa paglabas-masok ng droga sa loob ng eskuwelahan pero hindi po solusyon ang ipa-drug test niya ang mga bata at guro.

Eh, ano kaya ang mararamdam ni Dir. Aquino kung sakalling (huwag na ‘yung anak niya dahil medyo oldies na si director) ‘yung mga apo na lamang niya o batang kamag-anak niya na nag-aaral ang ipasailalim natin sa drug-test, ano ang mapi-feel niya, aber?

Gayung hindi naman addict at hindi rin ginagamit ng sindikato ng illegal drugs ang angkan niya.

Kung i-mandatory drug test ang mga ito papayag ba siya?

Buti na lamang at may natitira pa tayong hindi lamang mga mambabatas kundi maging mga guro, nanay at tatay na  tutol sa palpak na mungkahing drug test ng mamang ito.

TULOY ANG OPERASYON KAHIT BAWAL

HABANG ipinatigil ng Region-4A ang lahat ng uri ng iligal na pasugalan sa nasabing rehiyon ay buong tapang naman na ino-operate ng mag-among Bridgette at George ang kanilang mga videokarera (VK) sa Antipolo, Rizal at sa karatig-pook na Calamba at Batangas City.

Ang tanong: bakit nakalulusot ang mag-among Bridgette at George, magkano?

o0o

Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected].