Guro ginahasa, pinatay sa ‘World Teachers’ Day’

Guro ginahasa, pinatay sa ‘World Teachers’ Day’

October 7, 2022 @ 8:09 AM 2 months ago


MASBATE-KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang guro matapos gahasain at patayin ng caretaker na katiwala rin ng inuupahan nitong apartment sa araw mismo ng paggunita ng “World Teachers’ day’ nitong Martes sa bayan ng Claveria.

Kinilala ang biktimang Jessabel Mangubat, 24, taga Barangay Manapao, Claveria, Masbate, private high school teacher ng Ramon Institute.

Nadakip naman sa ginawang manhunt operation ang suspek na kinilalang si Alvin Yanzon, 30, at residente sa Sitio Bodega Barangay Pasig, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Claveria police station, dakong 11:30 AM ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng inuupahan nitong apartment sa naturang lugar.

Ayon kay Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office in Bicol (PRO-5), itinuro ang suspek ng isa sa mga nakasaksi sa pangyayari.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, sinamantala ng suspek ang pagkakataon ng umalis ang may-ari ng apartment saka niya pinasok sa silid ang biktima.

Inamin naman ng suspek ng ginahasa niya ang biktiam saka hinampas sa ulo ng matigas na kahoy na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Matapos ng krimen tumakas ang suspek subalit agad naman itong nadakip ng mga awtoridad matapos ituro ang pinagtaguan nito.

Nakuha rin sa suspek ang t-shirt ng may bahid pa ng mga dugo at palakol na kahoy na hawakan na siyang ginamit nito sa pagpatay sa biktima.

Nakakulong ngayon sa Claveria Police Station ang suspek at inihanda ang mga kasong isasampa./Mary Anne Sapico