Guro itinumba habang papunta sa eskuwela

Guro itinumba habang papunta sa eskuwela

September 28, 2022 @ 7:11 PM 2 months ago


ABRA – Patay ang isang 38-anyos na guro matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Lipcan, Bangued ng lalawigang ito kaninang umaga, Setyembre 28.

KInilala ang biktima na si Rudy Steward Dugmam Sayen, walang asawa, residente ng Zone 4, Bangued, Abra, teacher ng Suyo National High School.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay nakasakay ng Honda click 125i motorcycle at bumibiyahe ng Abra-Ilocos Sur Road para pumunta sa eskuwelahang pinagtuturuan nang sundan at lapitan ng mga hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Dalawang beses na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima.

Naisugod pa sa Abra Provincial Hospital ang biktima pero hindi na nagawang isalba pa.

Patuloy ang isinasawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso