Guro, kalaguyong school principal huli sa akto ng sundalong mister!

Guro, kalaguyong school principal huli sa akto ng sundalong mister!

September 19, 2022 @ 10:20 AM 2 weeks ago


CAGAYAN DE ORO- Sa halip na sa paaralan ang pasok nila Maam at kanyang school principal, kulungan ang kanilang kinabagsakan matapos mahuli sa akto ng mister na sundalo ang dalawa sa loob ng motel, Sabado sa lungsod na ito.

Ayon kay Police Lt. Lorenzo Ocon Jr., deputy commander ng Carmen Police Station 4, nadakip ang dalawa sa loob ng motel sa Barangay Kauswagan ng nasabing lungsod.

Dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang dalawa na kapwa hindi pinangalanan at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Kwento ng biktima na isang sundalo, matagal na siyang nagdududa na may himalang ginagawa ang kanyang misis kaya nagpatulong siya sa kanyang mga kasamahan sa Intelligence Philippine Army.

Nakatanggap na impormasyon ang intelihensya at agad na naglatag na operasyon laban sa mga suspek at nahuli sa akto ang mga ito sa loob ng motel.

Sa himpilan ng pulisya, nagtakip ng mukha pareho ang mga suspek at tikom ang bibig sa pangyayari.

Desidido naman ang sundalo na magsampa ng kaso laban sa kanyang misis at school principal. Mary Anne Sapico