Guro na namahiya ng estudyante, kulong!

Guro na namahiya ng estudyante, kulong!

February 17, 2023 @ 12:30 PM 1 month ago


SILAY CITY- Kulungan ang kinasadlakan ng isang guro matapos arestuhin ng mga awtoridad sa kanilang bahay makaraan ireklamo ng pagpapahiya ng magulang ng batang pinahiya, kahapon sa lungsod na ito.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa sa RA 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” nadakip ang suspek na kinilalang si Maria Lourdes Panes, nagtuturo sa Silay South Elementary School.

Batay sa report ng Silay City Police Station, nag-ugat ang kaso ng suspek matapos ireklamo ng magulang bata na pinahiya ito noong nakaraan taon.

Nakakulong ngayon sa Silay City Police Station ang suspek at pinahintulutan ng korte ng magbayad ng piyansa sa halagang P80,000 para sa pansamantala nitong kalayaan. Mary Anne Sapico