Guro na sexual offender, ‘di dapat pagturuin sa lahat ng paaralan – Hontiveros

Guro na sexual offender, ‘di dapat pagturuin sa lahat ng paaralan – Hontiveros

September 7, 2022 @ 4:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Risa Hontiveros na hindi dapat mapagbigyan ng panibagong pagkakataong makapagturo ang sinumang sexual offenders sa lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado upang maprotektahan ang mag-aaral laban sa ganitong uri ng indibiduwal.

“Nakakabahala na yung mga tinanggal o nag-resign na guro dahil sa pang-aabuso at harassment sa isang school, ay pwede lang mag-turo ulit sa ibang paaralan. Wala tayong nalutas na problema kung hinahayaan nating palipat-lipat lang ang mga abuser. Sexual predators should never be allowed to be around children,” ayon kay Hontiveros, principal author ng Safe Spaces Act.

Sa isang article noong 2021, isang teacher-predator sa St. Theresa’s College Quezon City (STCQC) na nagbitiw noong 2016 na natuklasang nagtuturo sa Angeles University Foundation (AUF) nitong 2019-2020.

Ayon sa naturang report, nitong Pebrero noong nakaraang taon, nakapagtrabaho din ang naturang guro sa iba pang paaralan. Umamin ang biktima mula sa STCQC at AUF na kapwa sila hinalay ng guro na hindi pinangalanan.“Ilan pa ang mga guro na may mga kaso na pala ng pang-aabuso at karahasan pero imbes na tunay na managot ay nag-iiba lang ng eskwelahan? Ilang mga estudyante na ang nabiktima dahil dito? Predators should get more than a slap on the wrist,” ayon ky Hontiveros.

“Schools should show their students that abusers will be made accountable. This also tells our young people that they will be heard, not dismissed nor silenced. In fact, napagtagumpayan ng STCQC na ayusin ang sistema nila in resolving sexual harassment cases. Nung 2020, nag-file ang isang estudyante ng administrative complaint laban sa isang teacher-predator. The school then created a Student Care Council that processed this case. A month later, the abuser’s employment was terminated. Ganitong proactivity sana ang inaasahan natin sa lahat ng paaralan,” giit pa ni Hontiveros.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, iniulat ang ilang serye ng sexual harassment sa paaralan, sinabi ni Hontiveros na walang patakaran na ipinagbabawal ang sinuman, nagbitiw man o tinanggal, na makapasok sa ibang pang paaralan.

Ayon kay Hontiveros dapat gayahin ng gobyerno ng Pilipinas ang Working with Children Check ng Australia na isang layer ng screening para sa matatanda na sangkot ang trabaho sa regular na pakikisalamuha sa kabataan.

“Kung may ganito rin tayong proseso, tiyak na mapipigilan natin ang mga abuser na paulit-ulit lang na mang-abuso sa iba’t ibang eskwelahan. With the rampant cases of sexual abuse and harassment that we receive and we hear about year after year, it seems necessary to have a similar mechanism in our country,” ayon sa senador.

“Mismong mga estudyante na ang gumagawa ng paraan para protektahan ang mga kapwa nila mag-aaral. Our children have been calling on all of us to do better. Hindi sila maayos na pinakinggan kaya’t kinailangan pang ipa-trend sa social media ang hashtag na #DoBetter. Let’s listen to them this time,” ani Hontiveros. Ernie Reyes

(Mga kababaihang kinabibilangan ng mga kabataang biktima ng pang-aabuso)