Guro na tulak arestado sa buy-bust ops

Guro na tulak arestado sa buy-bust ops

November 26, 2022 @ 9:30 AM 3 months ago


LAGUNA- Kulungan ang kinasadlakan ng isang public school teacher matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad kamakailan sa lalawigang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si John Paul Costa, 39, guro sa Tagumpay Elementary School Sta. Cruz, Laguna, at residente ng Purok 4, Bgy. Tagumpay, ng nasabing bayan.

Sa operasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station Drug Enforcement Unit, nadakip ang suspek sa Marcelo H. del Pilar St., Bgy. Poblacion 3 noong Biyernes.

Narekober sa suspek ang 16 pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.9 gramo at nagkakahalaga ng P13,000.

Nakuha rin sa suspek ang P500 marked money, 5 pirasong tig P100 at motorsiklo.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidades ng suspek kung saan nagtuturo ito sa araw habang nagbebenta naman ng iligal na droga sa gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa sale and possession of prohibited drugs under Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Laguna Provincial Prosecutor’s Office.

Sa himpilan ng pulisya, labis naman ang pagsisi ng suspek at humingi ito ng kapatMary Anne Sapicoawaran sa kanyang mga estudyante.