Guro na tulak ng droga, timbog!

Guro na tulak ng droga, timbog!

May 5, 2022 @ 1:33 PM 2 months ago


ILAGAN CITY, Isabela – Tuluyan ng sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang isang public school teacher o guro matapos maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation sa Sta. Maria St., corner San Mariano St., Barangay Malapat sa bayan ng Cordon.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Julio Go, Acting Provoncial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, kinilala ang suspek na si Drepol Palpallatoc, 38-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Magsaysay ng nasabing bayan.

Naarrsto ang guro matapos maaktuhang nagbebenta ng isang pakete ng iligal na droga kapalit ang P5,000 mula sa ahente ng otoridad na nagsilbing poseur buyer.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang cellphone at motorsiklo na kanyang gamit sa illegal na aktibidad.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco