Guro, nag-quarantine sa kubeta ng eroplano nang magpositibo sa COVID-19

Guro, nag-quarantine sa kubeta ng eroplano nang magpositibo sa COVID-19

December 31, 2021 @ 9:53 AM 8 months ago


UNITED STATES – Agad na kinwarantina ng isang guro ang sarili sa kubeta ng eroplano makaraang magpositibo ito habang nasa biyahe mula US patungong Iceland.

Sa kanyang mensahe sa Tiktok habang nasa kubeta, ipinakilala niya ang sarili na si Marisa Fotieo, guro mula US at sinabing ayaw niyang makahawa ng iba kaya siya nag-self quarantine.

Pinasalamatan naman niya ang isang stewardess na nag-asikaso sa kanya sa lahat ng kanyang pangangailangan sa loob ng limang oras na biyahe.

Pagdating niya sa Iceland, idiniretso siya sa isang quarantine facility ng International Red Cross.

Salaysaya ni Fotieo, may baon siyang antigen test kit at habang nasa biyahe siya, isinailali niya ang sarili rito at lumabas siyang positibo.

Agad siyang tumayo at pumunta sa CR ng eroplano at doon na niya sinabihan ang isang stewardess ukol sa kanyang kalagayan.

Pumalo naman ng mahigit 4 milyong views ang kanyang Tiktok video. Fred Cabalbag