Guro nakatanggap ng kompensansyon sa online bank fraud

Guro nakatanggap ng kompensansyon sa online bank fraud

April 30, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakatanggap na ang isang guro ng kompensasyon para sa online bank transfer fraud kung saan target ang Land Bank of the Philippines (Landbank) payroll accounts ng mga guro ayon sa isang teachers’ group nitong Sabado.

Isa sa 70 kasong inihain sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nakatanggap ng P300,000 bilang kompensasyon sa nawalang pera dahil sa unauthorized purchases, ayon kay Benjo Basas, chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition.

Nauna nang ihayag ng grupo na halos 100 guro ang nagreklamo ukol sa pagkawala ng pera dahil sa unauthorized transactions sa kanilang Landbank accounts.

Para naman sa ibang biktima, inilahad ni Basas na sinabi ng Landbank na iniimbestigahan pa ang ibang kaso.

Idinagdag din niya na hindi bibigyan ng kompensasyon ang ilang pending cases.

Subalit iginiit ni Basas na hindi sumusuko ang grupo, at hinihintay umano ang rekomendasyon ng NBI.

Binabalak din ng grupo na magsampa ng administrative case laban sa Landbank, dahil sa kapabayaan nito. RNT/SA