Guro patay sa extension wire

Guro patay sa extension wire

August 7, 2022 @ 8:51 AM 2 months ago


ATIMONAN, Quezon- Patay ang isang guro matapos makuryente sa tinanggal na extension wire nitong Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Ma. Jane Claire Leyte Andaya, 22-anyos, at residente ng Sitio Lavides Brgy. San Isidro Atimonan, Quezon.

Batay sa report ng Atimonan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kwento ng kapatid na si Janeza, katatapos lang maligo ng kanyang kapatid at paglabas ng banyo ay agad nitong hinugot ang nakasaksak ng ilaw sa extension wire.

Dahil basa pa ng tubig ang katawan ng biktima posibleng natuluan niya ng tubig ang saksakan at bigla na lamang itong nagkikisay at bumagsak sa sahig.

Agad naman humingi ng tulong sa pulis ang kapatid na si Janeza at isinugod sa ospital si Jane subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doktor sanhi ng tinamong internal 3rd degree burn. Mary Anne Sapico