Guro patay sa pananaksak ng estudyante sa Samar

Guro patay sa pananaksak ng estudyante sa Samar

October 4, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


TACLOBAN CITY — Patay ang isang 32-anyos na senior high school teacher matapos saksakin ng 19 tapong gulang na estudyante sa bayan ng Basey, Samar nitong Lunes.

Nasawi sa saksak sa dibdib si George Lauron, isang Science teacher sa Basey National High School, ayon kay Police Executive Master Sergeant Gerry Vargas.

Kinilala ang suspek na Kurt Lancanan, na agad na sumuko sa mga pulis.

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman sina Lauron, Lancanan, at iba mga kasama sa boarding house ng biktima bandang alas-2 ng madaling araw.

“But in the course of their drinking spree, the two had a heated argument which prompted the suspect to stab the victim in his chest using a knife,” paglalahad ni Vargas.

Boluntaryong sumuko si Lancanan sa mga pulis 30 minuto matapos ang krimen.

Nakadetene ang suspek sa  police station habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong murder case laban sa kanya ng prosecutor’s office sa Basey. RNT/SA