Guro tiklo sa shabu

Guro tiklo sa shabu

June 4, 2021 @ 10:01 AM 2 years ago


AGOO, LA UNION- SWAK sa kulungan ang isang public school teacher makaraan mahulihan ito ng illegal na droga sa drug buy bust operation ng mga otoridad, iniulat kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Reginald Laroco, 40-anyos at residente ng Brgy. San Juan, Agoo, La Union.

Batay sa report ng Agoo Police Station, nitong Miyerkoles ng hapon inilatag ang operasyon laban sa suspek sa Brgy. San Nicolas East, Agoo, La Union.

Isa sa mga ahente ang bumili ng droga laban sa suspek kapalit ng P1,000.00 marked money at ng magpositibo agad na pinosasan si Laroco.

Nakuha mula sa suspek ang 0.5 grams ng pinaniniwalaan na nagkakahalaga ng higit sa P3,400.00 pesos, P1,000 buy-bust money, 1 cellphone at mga drug paraphernalia.

Kasalukuyan nakakulong sa lock up cell ng Agoo Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs./Mary Anne Sapico