Guro timbog sa P2M shabu

Guro timbog sa P2M shabu

July 6, 2022 @ 11:27 AM 1 month ago


TUBURAN, Cebu- HIGIT sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa limang suspek kabilang ang isang guro sa magkasunod na operasyon ng mga otoridad kontra droga, Miyerkules sa bayang ito.

Unang nadakip si Brendo Aringay Villafranca, 34, guro sa pampublikong paaralan at residente sa Barangay Kansi, Tuburan.

Nakuha kay Villafranca ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000, buy bust money at motorsiklo nito.

Pangalawa naman nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7) si Lilia Hernane, 52, sa Bamboo Village, Barangay Basak Pardo, lungsod ng Cebu.

Nakumpiska kay Hernane ang 5 gramo ng shabu na may aabot sa halagang P34,000.

Sunod naman operasyon ay sa Barangay Cayang, Bogo City, at nadakip sina Jame Paul Yuson Villegas, 30, nasa listahan ng high-value na indibidwal ng Bogo Police Station.

May bigat na 192.48 gramo ang mga drogang nasamsam kay Villegas na nagkakahalaga ng P1,258,816.

Pagsapit naman ng 12:38 AM ng Miyerkules, nadakip ng Talisay City police, ang call center agent na si Ronnel Ledesma Cabaron, 42-anyos sa Barangay Bulacao, Talisay City.

Nakuha kay Cabaron ang 50 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P340,000 at buy bust money.

Naaresto rin ng Mambaling police station ang isa pang high value individual sa Sitio Tinabangay, Barangay Mambaling, Cebu City na si Jojie Diaz, 27, ng Sitio Huyong-huyong .

Nakuha aky Diaz ang 53 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P360,400.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng himpilan ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002./Mary Anne Sapico