Guro tinadtad ng saksak ng estudyante habang nagkaklase

Guro tinadtad ng saksak ng estudyante habang nagkaklase

February 23, 2023 @ 9:18 AM 4 weeks ago


FRANCE – Patay ang isang guro na walang habas na pinagsaksaksak ng 16-anyos na estudyante sa gitna ng klase.

Sa ulat ng Agence France-Presse, kinilala ang biktima na 52-anyos na Spanish teacher, sa seaside town ng Saint-Thomas d’Aquin na isang Catholic-based school sa Saint Jean de Luz.

Base umano sa ulat ng Sud Ouest, sumugod ang binatilyo sa silid-aralan kung saan nagkaklase ang biktima at kaniyang sinaksak.

Sa ulat ng BFM television channel, isinara pa umano ng suspek ang pintuan ng silid-aralan at sinaksak sa dibdib ang guro.

May ulat naman na nagsabing sinaniban umano ang binatilyo. Sa ngayon, inaalam na ng pulisya ang psychological state at motibo ng suspek. RNT