Gurong nagtago ng camera sa banyo ng paaralan, iniimbestigahan

Gurong nagtago ng camera sa banyo ng paaralan, iniimbestigahan

October 9, 2018 @ 8:32 AM 4 years ago


 

Iloilo – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang guro sa sekondarya dahil sa alegasyong pagtatago ng camera sa loob ng banyo ng mga babae sa pampublikong paaralan sa Alimodian, Iloilo.

Ayon kay PO2 Vivian Alingalan ng Alimodian Municipal Police Station, ang spy camera ay nadiskubre nitong Miyerkules, October 3, ng isang estudyante.

“While she was sitting on the toilet bowl, she saw something that was blinking under the sink,” ayon sa pulis.

Sa video, makikita ang guro na nagtatago ng camera sa banyo. Nakuhanan din ang dalawang estuyanteng gumagamit ng banyo sa video.

Ayon kay Dr. Nordy Siason, assistant schools division superintendent of the Department of Education (DepED) sa Iloilo, nagsasagawa na rin sila ng karagdagang imbestigasyon sa insidente.

“The school principal helped us facilitate the report and we have an ongoing meeting with the concerned individuals,” ayon kay Siason.

Ang akusadong guro ay pinag-leave habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Kung mapatutunayang nagkasala, haharap ang guro sa kasong administratibo at criminal charges./Remate News Team