Gurong namatay sa nahulog na bus sa Bataan, ililibing na

Gurong namatay sa nahulog na bus sa Bataan, ililibing na

November 13, 2022 @ 3:37 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ililibing na bukas, Nobyembre 14 ang guro na nasawi sa nahulog na bus na sinasakyan ng mga guro sa Bataan.

Ito ang sinabi ng kanyang pamilya nitong Linggo, Nobyembre 13 kung saan matatandaan na ang guro na kinilalang si Janice Pontillas ang nag-iisang nasawi sa mga sakay ng naturang bus.

Kung babalikan, noong Nobyembre 5 ay nahulog sa bangin sa bayan ng Orani ang bus na sinasakyan ng mga guro na pawang mga taga-Quezon City na pauwi na sana mula sa isang seminar sa lugar.

Ayon naman sa asawa ng biktima na si Ariel Pontillas, hindi pa nila tiyak kung magsasampa na sila ng kaso sa driver ng naturang bus.

Aniya, prayoridad muna nila sa ngayon ang pag-aasikaso ng burol ni Janice.

Dahil dito ay pansamantala munang nakalaya ang driver habang naghihintay pa ng desisyon ng pamilya ng biktima. RNT/JGC