Gurong tulak ng droga, tiklo

Gurong tulak ng droga, tiklo

January 10, 2023 @ 4:20 PM 3 weeks ago


ANGADANAN, ISABELA-Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang guro matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 7, Brgy. Centro 1, Angadanan, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police Station kay PCol. Julio R. GO, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO kinilala ang suspek na si Virgilio Estrada Jr. y Bantat, 35-anyos, binata, nagtuturo sa Victory Elementary School sa Angadanan, Isabela at residente ng Purok 1, Brgy. Centro 2, Angadanan, Isabela.

Una rito, nakatanggap ang pulisya na mayroong ka-transaksyon sa bentahan ng droga kung kaya’t agad na ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystaline substance o shabu, dalawang piraso ng tig-P1,000 (1 genuine at 1 boodle Money) marked money na may serial number na EF718437 at BL795853, isang (1) unit ng black Vivo smart cellular phone; isang kulay itim na Oxygen purse na naglalaman ng vaccine card, PhilHealth ID at school ID at kulay puting Xyctone bicycle.

Halos tumitimbang ng 0.4 grams ang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P2,000.

Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na pansamantala nasa kustodiya ng pulisya. Rey Velasco