Gusali ng DOF tampok sa bagong PHLPost stamps

Gusali ng DOF tampok sa bagong PHLPost stamps

July 2, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inilabas ng Philippine Postal Corp. (PHLPost) ang bagong commemorative stamps upang markahan ang ika-125 founding anniversary ng Department of Finance (DOF).

Tampok sa stamps ang harap ng bagong DOF building sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila.

Makikita rin ang 125th-anniversary seal sa kaliwang bahagi na may temang “Celebrating a Proud History, Building a Solid Future”.

Tinanggap naman ng dating pinuno ng DOF na si Carlos Dominguez III, ang framed commemorative stamps mula sa Postmaster General Norman Fulgencio nitong Huwebes.

“The Post Office appreciates and fully supports the crucial role of the Department of Finance to the economic condition of the country. We have paid its dividend arrears from 2004 to 2014 in the amount of PHP312,532,210 to the Department of Finance and remain updated to date as of 2021,” ani Fulgencio nitong Sabado.

Itinatag noong Abril 24, 1897 ng Philippine Revolutionary government, sumailalim ang DOF sa ilang structural at functional overhauls subalit nananatiling isang key department na nakatakda sa revenue generation, resource mobilization, at fiscal management.

Nag-imprenta ang PHLPost ng 40,000 kopya ng stamps na nagkakahalaga ng P12 kada isa.

Si in-house graphic artist Eunice Beatrix Dabu ang nagdisenyo nito.

Mabibili ito sa Philatelic Counter of the Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio. RNT/SA